Paano nga ba ako makakausad?
Damdamin ko ay tila hiniklat
Puso ko ay lubhang nangungulila
Sa umaga'y mumulat na may luha.
Bakit ka lumisan, bakit ka tumakas?
Iniwan akong sugatan at walang lakas
Nanghihinayang sa oras na nawala
Sa panahong dapat na nangalaga.
Nagsisisi na wala sa iyong tabi
Ngayon ako'y puno ng dalamhati
Patawad sa aking mga kamalian
Patawad sa aking kahinaan.
Kung nasaan man sana'y maramdaman
Pag ibig ng puso'y ayaw magpaalam
Ikaw ang laging hinahanap-hanap
Sa diwa'y ikaw ay buhay pang ganap.
--
I dedicate this poem specially to my late mother who passed away in October 2017. I miss her everyday. - Jaybz
A blog dedicated in memory of the writer's late mother who absolutely adores the sweet treat this site alludes to. It is mainly a collection of original poetry and prose inspired by the writer's daily encounters and reflection.
Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Pagtangis
Mga bisig na may karit ng tadhana
Mukhang namutla sa tinding pangamba
Puso’y may luha at inggit sa kapwa
Pagkatao’y niyuraka’t tinapakang kay sama.
Ang pagtahak sa mahabang halamanang matinik
Nagdulot sa binti ng sakit ng lagitik
Awit ng gubat parang malakas na paltik
Sa kaluluwa’y ang tingi’y gawa sa putik.
Usal ng damdami’y sigaw ng pagkamuhi
Sa sariling kaibahang akala’y kay buti
Galit sa kauri’y sa isipan ay ‘di mapawi
Parang pakong nakabaon sa punong nakatali.
Sa pag-ihip ng ‘yong hanging kay bango
Dulot sa mukha ay daig ang nalango
Ang pagsilay sa iyong kagandahang malago
Mabigat sa balikat ng katauhang nakatago.
Bigkas nitong mga matang pagod at luhaan
Ang pag-asang paglaya mula sa sariling kulungan
Na sana makauwi sa dakila mong kanlungan
Kung saan naroon ang isang magulong kapayapaan.
Ang pag-impit nitong sumasabog na damdamin
Lakas ng pag-ambong hindi kayang pigilin
Ang paghilang kay lupit pilit na ‘wag dinggin
Nitong nagmamatigas na batong sukat hatiin.
Pag-alpas mula sa kagubatang puno ng hapis
Ay pag-asang tuyo at sa puso’y napapanis
Ngunit ang sikat ng liwanag kadilima’y inalis
Upang masulyapan lamang ang landas na paalis.

Pansamantala
Andito lang sa aking tabi
Kasabay sa tawa at ngiti
Kasama halos gabi-gabi
Parang langit ang bawat kanti.
Akala ng iba ikaw at ako
Sa kanila lingid ang totoo
Abot langit aking pagsamo
Na sana ako ang laman ng puso.
Ngunit ika’y may ibang irog
Pag-ibig mo tila sumasabog
Puso ko mistulang dinurog
Impit ang luhang animoy ilog.
Subalit mukha mo’y may hapis
Mga matang parang nagtitiis
Sa sakit ng sugat na kiniskis
Dulot ng pagmamahal ng labis.
Andito ako handang dumamay
Lumapit ka hawakan ang kamay
Damhin ang pagmamahal na sana’y
Noon pa lang sayo na inialay.
Pansamantala iyong kalimutan
Ang sakit na nararamdaman
Pansamantala ako’y kapitan
Nang hindi malugmok sa putikan.
Kahit pansamantala lang ang lahat
Pag aaruga ko ay singlawak ng dagat
Kahit sa puso lagi ay may kagat
Ako’y kaibigan mong tapat.
Kasabay sa tawa at ngiti
Kasama halos gabi-gabi
Parang langit ang bawat kanti.
Akala ng iba ikaw at ako
Sa kanila lingid ang totoo
Abot langit aking pagsamo
Na sana ako ang laman ng puso.
Ngunit ika’y may ibang irog
Pag-ibig mo tila sumasabog
Puso ko mistulang dinurog
Impit ang luhang animoy ilog.
Subalit mukha mo’y may hapis
Mga matang parang nagtitiis
Sa sakit ng sugat na kiniskis
Dulot ng pagmamahal ng labis.
Andito ako handang dumamay
Lumapit ka hawakan ang kamay
Damhin ang pagmamahal na sana’y
Noon pa lang sayo na inialay.
Pansamantala iyong kalimutan
Ang sakit na nararamdaman
Pansamantala ako’y kapitan
Nang hindi malugmok sa putikan.
Kahit pansamantala lang ang lahat
Pag aaruga ko ay singlawak ng dagat
Kahit sa puso lagi ay may kagat
Ako’y kaibigan mong tapat.
Pagdungaw sa Bukas
Madilim at malamig ang kinalalagyan
Noon pa ma'y ganyan nang dinatnan
Gumagawa at naghahanap ng paraan
Upang ang sakit ng tyan ay maibsan.
Balat ay sunog at babad sa araw
May igting at bigat ang bawat galaw
Hirap ng buhay ang laging pananaw
Kaya't kahali-halina ang tawag ng balaraw.
Itsura ay may hapis at kaawa-awa
Malamang ang buhay ay mapariwara
Pagiging mahirap lang ang pagkakasala
Ngunit madungis ang tingin ng madla.
Kailan kaya sisikat ang ginintuang liwanag?
Nang mawakasan ang nadaramang bagabag
Kahit kaunting pag-asa ay mabanaag
Upang sa kahirapa'y may pusong lumabag.
Mula sa kulungang kapalara'y tila ginapas
Dalangin sana ay madaliang makaalpas
Sa Maykapal ay nagsusumamong wagas
Bigyang lakas na dungawin ang bukas.

Subscribe to:
Posts (Atom)