Lost Voices


Noise all over

From shouts of passion
To the secrets of whispers
A gentle hush of a loving heart
Outbursts of an outgoing soul

Do you hear them? Intriguing?

The relaxing chirp of a lonely bird
The hypnotizing roar of a speeding car
That uplifting beat from the coffee shop speakers
The laughter of friends in the corner

Do you hear them? Enjoyable?

Words of the unfortunate lot
Cries of the downtrodden
Chants from the pickets
Songs of the oppressed

Can you hear them? Drowned?

The glee of promises
The illusions made by a chosen power
The yearning hearts swayed
So easily tricked, desperate to a fault

The choice silenced, the soul lost.


Duality

Does the day seem brighter than it is?
My heart feels light and filling with bliss
But deep inside the wounds have yet to heal
I almost like to keep it bleeding still.

My mind and heart still long for time past
Stretching the moment I have seen you last
But time and fortune has brought a gift
A face; a soul who caused some darkness lift.

I welcome the smile like a lucky charm.
But I embrace the tears gently with my arms.

Hinagpis

Paano nga ba ako makakausad?
Damdamin ko ay tila hiniklat
Puso ko ay lubhang nangungulila
Sa umaga'y mumulat na may luha.

Bakit ka lumisan, bakit ka tumakas?
Iniwan akong sugatan at walang lakas
Nanghihinayang sa oras na nawala
Sa panahong dapat na nangalaga.

Nagsisisi na wala sa iyong tabi
Ngayon ako'y puno ng dalamhati
Patawad sa aking mga kamalian
Patawad sa aking kahinaan.

Kung nasaan man sana'y maramdaman
Pag ibig ng puso'y ayaw magpaalam
Ikaw ang laging hinahanap-hanap
Sa diwa'y ikaw ay buhay pang ganap.

--
I dedicate this poem specially to my late mother who passed away in October 2017. I miss her everyday. - Jaybz

Pagtangis

Mga bisig na may karit ng tadhana
Mukhang namutla sa tinding pangamba
Puso’y may luha at inggit sa kapwa
Pagkatao’y niyuraka’t tinapakang kay sama.

Ang pagtahak sa mahabang halamanang matinik
Nagdulot sa binti ng sakit ng lagitik
Awit ng gubat parang malakas na paltik
Sa kaluluwa’y ang tingi’y gawa sa putik.

Usal ng damdami’y sigaw ng pagkamuhi
Sa sariling kaibahang akala’y kay buti
Galit sa kauri’y sa isipan ay ‘di mapawi
Parang pakong nakabaon sa punong nakatali.

Sa pag-ihip ng ‘yong hanging kay bango
Dulot sa mukha ay daig ang nalango
Ang pagsilay sa iyong kagandahang malago
Mabigat sa balikat ng katauhang nakatago.

Bigkas nitong mga matang pagod at luhaan
Ang pag-asang paglaya mula sa sariling kulungan
Na sana makauwi sa dakila mong kanlungan
Kung saan naroon ang isang magulong kapayapaan.

Ang pag-impit nitong sumasabog na damdamin
Lakas ng pag-ambong hindi kayang pigilin
Ang paghilang kay lupit pilit na ‘wag dinggin
Nitong nagmamatigas na batong sukat hatiin.

Pag-alpas mula sa kagubatang puno ng hapis
Ay pag-asang tuyo at sa puso’y napapanis
Ngunit ang sikat ng liwanag kadilima’y inalis
Upang masulyapan lamang ang landas na paalis.

Seasons


Like how season changes, the world changes too. Life is inevitably the same.
Happy New Year!

Credits to the owner of the image. 
All rights reserved on the content.

Popular